PH Bar Association, nag-alok na mag-host sa debate nina Duterte at Carpio

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at Pangulong Rodrigo Duterte

Nag-alok na mag-host noong Huwebes ang Philippine Bar Association (PBA) para sa gaganaping debate nina Pangulong Rodrigo Duterte at retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio hinggil sa mga isyung kaugnay ng West Philippine Sea.

Nangyari ito matapos tanggapin ni Carpio ang hamon ng Pangulo na makipag-debate.

Sa isang pahayag, sinabi ni Rico Domingo, pangulo ng Philippine Bar Association, na “malaki” ang makukuhang benepisyo ng publiko sa forum, na isa umanong “frank and straightforward discussion on a matter that affects the entire citizenry.” 

“As the oldest voluntary private organization of lawyers in the country, the PBA will provide a balanced arena fit for two lawyers of eminent stature and experience to dispassionately discuss the core issues relating to the dispute on the West Philippine Sea,” paliwanag ni Domingo.

Naghihintay na lamang umano sila ng oras at petsang makapagkakasunduan nina Duterte at Carpio.

Tinanggap naman ng dating mahistrado ang alok ng organisasyon para sa pagho-host ng naturang debate.

Aniya, “I am happy to accept the offer of PBA to host and moderate the debate.”

Sinisi ni Duterte ang dating administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino para sa pagkawala ng Scarborough Shoal noong 2012 matapos ang standoff sa China.

Noong Miyerkules ng gabi, sinabi naman ni Duterte na ang arbitral victory ng Pilipinas kontra China noong 2019 ay isa lamang “papel” na puwedeng “itapon.”

Dismayado naman si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario kay Duterte at sinabing isa umanong “national tragedy” na ganito ang turing ng Pangulo sa arbitral ruling.

LATEST

LATEST

TRENDING