Hontiveros, hinimok ang COA na magsagawa ng ‘special audit’ para sa Bayanihan funds

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senadora Risa Hontiveros

Hinikayat noong Miyerkules ni Senadora Risa Hontiveros ang Commission on Audit (COA) na busisiin ang paggastos ng pamahalaan sa ilalim ng “Bayanihan” laws, o ang mga ipinasang emergency measures na layong tugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino sa panahon ng Covid-19 pandemic.

Sa isang video message, sinabi ng mambabatas na naghain siya sa Senado ng resolusyon upang ipanawagan ang pagsasagawa ng “special audit” para sa P570 bilyong expenditure ng gobyerno sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1) at Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2). 

Ito ay kasabay nang patuloy na pagtugon ng bansa sa panibagong alon ng Covid-19 cases, kung saan nasa critical occupancy pa rin ang mga ospital sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

“Hanggang ngayon, napakarami pa ring health workers ang hindi nakakatanggap ng hazard pay, maraming pamilya ang hindi pa nakakatanggap ng ayuda, at kulang pa rin ang mga health facilities,” ani Hontiveros.

“Kung kailan matindi ang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19, saka naman hindi makita ng mga Pilipino kung saan na napupunta ang pera nila,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING