Eksperto, hinikayat ang publiko na mas i-prayoridad ang Covid-19 vaccine vs. prophylaxis

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Hinihikayat ang publiko na mas bigyan ng prayoridad ang Covid-19 vaccination sa halip na pag-intake ng prophylaxis tulad ng ivermectin, abiso ng isang infectious disease expert noong Miyerkules.

Ilang doktor at organisasyon ang nagbabala laban sa paggamit ng nasabing gamot nang walang compassionate special permit.

Isa sa mga ito ang Philippine College of Physicians, ayon kay Dr. Rontgene Solante, pinuno ng adult infectious diseases department sa San Lazaro Hospital.

Aniya, “Sa amin mas i-prioritize mo na pag i-offer na sa’yo ang bakuna, mas maigi ang bakuna kasi long-term ang protection nito hindi kagaya ng prophylaxis na halimbawa kung may bisa man ‘yan, habang buhay mong iinumin ‘yan. Mas mataas ang side effect.”

Noong nakaraang linggo, dalawang kongresista ang namahagi ng ivermectin sa mga pasyente, kung saan binigyan ang mga ito ng reseta ng mga on-site doctors na walang pangalan o katibayan ng lisensya.

Sa ngayon, pinapahintulutan lamang ng Food and Drug Administration (FDA) ang limang ospital para sa paggamit ng ivermectin bilang investigational drug kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING