Duterte, ipinadadakip ang mga ‘di maayos ang pagsusuot ng face masks

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Ang mga mahuhuling hindi nagsusuot ng face mask sa wastong paraan ay ipade-detain at paiimbestigahan, babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pre-recorded address noong Miyerkules.

Aniya, “My orders to the police are: Those who are not wearing their masks properly, in order to protect the public — because otherwise, you can’t protect the public — to arrest them.”

“Detain them, investigate them why they are doing it. You have nine hours,” giit nito.

Ayon sa Pangulo, kinakailangan niyang maghigpit sapagkat hindi na umano kaya ng pamahalaan ang tumataas na bilang ng Covid-19 cases, kasabay nang pagkaubos ng pondo ng gobyerno.

“Many have died. Many are in hospitals. Experts said the number of infections has gone down. But the hospitals are still full. So, if you really have brains, if you are a thinking human person […] follow the orders of the government. That’s not for me. That’s not for us in government. It’s in the interest of the country that you don’t infect others and that you don’t get infected,” paliwanag ng Pangulo.

Bagama’t hindi 100-percent na makapagtitiyak ng kaligtasan ang face masks laban sa Covid-19, inirerekomenda pa rin ito ng health experts – kahit sa mga taong fully vaccinated na.

LATEST

LATEST

TRENDING