Sara Duterte, muling nanguna sa presidential candidate survey para sa 2022 elections

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Davao City Mayor Sara Duterte

Muling nanguna sa mga posibleng maging presidential candidates sa 2022 elections si Davao City Mayor Sara Duterte, ayon sa resulta ng isang Pulse Asia survey.

Batay sa nasabing survey, 27% ng mga respondents ang pumapabor sa alkalde kumpara sa ibang nga kandidato. Sinundan naman si Duterte nina dating Senador Ferdinand Marcos, Jr. (13%), Senadora Grace Poe (12%), Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (12%), at Senador Manny Pacquiao (11%).

Malinaw na si Duterte ang pinili ng mga respondents galing Mindanao kung saan 60% ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa alkalde. 21% percent naman ng mga taga-Visayas ang pumili kay Duterte.

Pagdating naman sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon, nanguna sina Moreno (24%) at Marcos (19%).

Samantala, nanguna rin si Duterte sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Nobyembre 23 hanggag Disyembre 2 noong nakaraang taon. Subalit, tinanggihan ng alkalde na may plano siyang tumakbo sa pagka-Pangulo. Sinabi rin ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang sundan ang kanyang yapak sapagkat hindi umano “pambabae” ang trabaho ng Presidente.

Ang huling survey ay isinakatuparan sa pamamagitan ng face-to-face interviews mula Pebrero 22 hanggang Marso 3, kung saan nilahukan ito ng 2,400 adults na edad 18 pataas. Ito ay mayroong ± 2% na error margin sa 95% confidence level.

LATEST

LATEST

TRENDING