Duterte, idiniing wala siyang ‘ipinangakong kahit ano’ tungkol sa West PH Sea isyu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na wala siyang “ipinangakong kahit ano” kaugnay ng panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, nang tumakbo ito sa pagka-Presidente noong 2016.

“I never, never, in my campaign as President, promise the people that I would re-take the West Philippine Sea. I did not promise that I would pressure China,” ani Duterte sa kanyang taped public address. 

“I never promised anything. Just because I’m President, gusto n’yong makipag-away ako,” dagdag pa nito.

Ayon sa Pangulo, “nagpanggap” lamang umano ang mga opisyal ng dating administrasyon sa pagsolusyon sa tensyon ng bansa sa China.

Noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino, nagsampa ito ng arbitral complaint laban sa China. Noong 2016, ibinasura ng Permanent Court of Arbitration sa Netherlands ang pang-aangkin ng China sa halos 90 percent ng South China Sea, kung saan kabilang dito ang West Philippine Sea.

Sinabi naman ni Duterte noong nangangampanya pa lamang ito, na aatasan niya ang Philippine Navy upang dalhin siya sa boundary ng Spratlys sa West Philippine Sea. Pagkatapos ay sasakay umano siya ng jet ski habang dala-dala ang watawat ng bansa.

Pagkatapos ay magtutungo siya aniya sa paliparang ginawa ng China upang itanim ang dala-dalang bandila ng Pilipinas.

Aniya, “This is ours. Do what you want with me,” he said he would tell Beijing. 

“Matagal ko nang ambisyon na maging hero ako. Kung pinatay nila ako dun, bahala na kayo umiyak dito sa Pilipinas,” pagbibigay diin ni Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING