Malacañang, tumanggi sa paratang na hindi pinansin ng China si Duterte sa West PH Sea isyu

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping ng China

Itinanggi ng Malacañang noong Lunes na hindi umano pinansin ng Beijing si Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan nitong paalisin ang mga barkong Chinese mula sa West Philippine Sea.

Ayon sa isang task force noong Abril, namataan sa bahagi ng South China Sea na pasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa, ang hindi bababa sa 240 Chinese ships, na pinaniniwalaang may sakay na militia.

Hindi bababa sa 201 na mga barko ang umalis na sa lugar, matapos makipagdayalogo si Duterte kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang paglisan umano ng mga barko ay dahil sa “message of the President and the warm relations that we enjoy with China.” 

“Hindi po totoo na in-ignore ang ating Presidente,” ani Roque sa isang press briefing.

“Doon sa natitirang kaunti, we are still hoping aalis sila,” dagdag pa ng opisyal.

Kasalukuyang hinahamon ng mga dati at kasalukuyang opisyal si Duterte, pati na rin ang ilang analysts, na magsulong ng mas malakas na hakbang laban sa China bunsod ng panghihimasok nito sa South China Sea.

LATEST

LATEST

TRENDING