
Nagdesisyon na si Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang susunod na magiging pinuno ng Philippine National Police (PNP), ayon sa Malacañang noong Lunes.
“I know he has made a decision,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ang kasalukuyan nitong pinuno na si PNP chief Gen. Debold Sinas ay nakatakdang magretiro sa Sabado.
“But I am not at a liberty to announce anything, unless I have the paper, the appointment paper,” dagdag pa ni Roque.
Nagsumite lamang aniya ng isang kandidato ang National Police Commission bilang kapalit ni Sinas, ayon sa chairman nitong si Interior Secretary Eduardo Año.