5,754 karagdagang contact tracers, ide-deploy sa Metro Manila

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: The Straits Times

Naglagda ang mga ahensya ng pamahalaan ng kasunduan noong Labor Day para sa pag-deploy ng 5,754 na mga karagdagang contact tracers sa Metro Manila matapos ang surge ng Covid-19 cases, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Linggo.

Sa isang kasunduan kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Labor and Employment (DOLE) at DILG, ang mga nasabing contact tracers ay ide-deploy nang tatlong buwan sa minimum wage na P537 kada araw.

Sa kabuuang 13,304 na aplikante, 2,696 ang nakapasok sa posisyon, ayon sa DILG.

“This deployment is part of our continuous effort to intensify our contact tracing program to contain COVID-19. Simula na ng kanilang pagtatrabaho bilang contact tracers at simula na rin ng dagdag na alalay at pag-asa para sa ating mga kababayan na makakabangon tayong muli mula sa pandemiyang ito,” ani Interior Secretary Eduardo Año.

Sa 5,754 nna mga bagong contact tracers, ang alokasyon sa bawat lungsod ay:
– 1,347 sa Quezon City
– 713 sa Caloocan City
– 707 sa Manila
– 349 sa Pasig
– 333 sa Taguig
– 302 sa Parañaque
– 278 sa Valenzuela
– 259 sa Makati
– 234 sa Muntinlupa
– 268 sa Las Piñas
– 209 sa Marikina
– 192 sa Pasay
– 171 sa Mandaluyong
– 161 sa Navotas
– 152 sa Malabon
– 47 sa San Juan
– 32 sa Pateros

LATEST

LATEST

TRENDING