
Matapos maantala ang delivery, nakarating na rin sa bansa noong Sabado ang tinatayang nasa 15,000 doses ng Sputnik V Covid-19 vaccine na gawa sa Russia.
Dumating ang unang batch ng Sputnik V vaccines pasado 3:50 P.M. sa Ninoy Aquino International Airport sakay sa isang Qatar Airways flight, ayon kay Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Borje said.
Itinakdang dumating ang mga nasabing bakuna noong Abril 28 subalit na-delay ito dahil sa problema sa logistics.
Ayon sa Malacañang, ide-deploy ang mga dumating na bakuna sa Metro Manila dahil sa storage requirements.
Ang Sputnik V, ay dapat ilagak sa madilim na lugar kung saan hindi lalagpas ng -18 degrees Celsius ang temperatura.
Layunin ng bansa ang mag-procure ng 20 milyong doses ng Sputnik V vaccine.