Unang batch ng Sputnik V Covid-19 vaccines mula Russia, papunta na sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Reuters

Matapos maantala ang delivery, papunta na sa bansa ang unang batch ng 15,000 doses ng Sputnik V Covid-19 vaccines na gawang Russia.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Philippine Ambassador to Russia King Sorreta na darating ang mga nasabing bakuna sa Pilipinas sa Mayo 1.

“First shipment of Sputnik V vaccines (15,000 doses) left today, 29 April, from Moscow and should be in Manila by 1 May. More to come in the next weeks and months. Great working with the DOH, DFA, Special Envoy for Russia and the other members of the IATF to make this happen,” pahayag ng opisyal.

Unang itinakdang dumating ang nasabing doses noong Miyerkules. Subalit, hindi naisakay ang mga ito sa Qatar Air commercial flight na magdadala dapat ng mga ito papunta sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) ang inisyal na batch ng Sputnik V vaccines ay gagamitin sa simulation o practice.

LATEST

LATEST

TRENDING