OVP, maglulunsad ng Labor Day online concert para sa health workers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Inihayag ng tanggapan ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Biyernes na nag-organisa ito, kasama ang ilang partners, ng virtual concert sa Labor Day para sa health workers at frontliners na tumutugon sa Covid-19 response.

Ang May 1 concert na pinamagatang “Harana: Musical Tribute to Filipino Frontliners “ay layong magbigay ng “breather” para sa medical professionals, ayon sa Office of the Vice President.

Kabilang sa mga magtatanghal na nasabing concert ay ang The Company, Noel Cabangon, Cooky Chua, Nonoy Zuñiga, Agot Isidro, Buboy Garrovillo, Jim Paredes, Joana Ampil, Renato Lucas, Skarlet Brown, Ivy Violan, Joey Ayala, Noli Aurillo, Bayang Barrios, Amp Big Band, Nona Galan, at Arman Ferrer.

Magpe-perform din sa concert ang mga doktor, nurses, at staff ng Philippine General Hospital. Ibabahagi rin ang ilang inspirational na mensahe mula sa frontliners, kanilang pamilya, at mga pasyenteng nakarekober mula sa Covid-19.

Magsisilbing host ng concert si True Faith lead vocalist at founder Medwin Marfil kasama si Binibining Pilipinas 2020 top 16 finalist Caroline Veronilla, kung saan eere nang live ang concert sa Istorya ng Pag-asa Facebook page, 7 p.m. ng Sabado, ayon sa OVP.

Upang ma-enjoy ng on-duty frontliners ang nasabing concert, magtatayo ng viewing stations sa National Kidney and Transplant Institute, Quirino Memorial Medical Center, at iba pang mga ospital.

“Sana kahit papano, kahit sandali at kahit sa maliit na paraan ay magawa nating ipakita ang ating paghanga at pagmamahal para malaman nilang hindi sila nag-iisa sa labang ito,” ani Architect Peach Buencamino, isa sa mga partners ng OVP.

LATEST

LATEST

TRENDING