DOH: ‘Unfair’ na ikumpara ang PH sa ibang mga bansa na ‘mas miserable’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Inihayag ng Department of Health (DOH) noong Biyernes na “unfair” ang ihambing ang kalagayan ng Pilipinas sa ibang mga bansa tungkol sa Covid-19 pandemic upang suriin kung alin ang “mas miserable.”

Ito ay matapos kumpirmahin ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na ipinag-utos umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang government news agency na idiing “mas mabuti ang kalagayan ng Pilipinas sa ibang bansa” matapos mag-leak online ang isang memo.

Sinabi rin ni Presidential spokesperson Harry Roque noong Huwebes na bagama’t mataas ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa, mababa naman ito pagdating sa bilang ng namamatay.

Sa isang virtual briefing noong Biyernes, binanggit naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat itapat ang Pilipinas sa mga bansang maayos ang Covid-19 response sa halip na ikumpara ito sa mga hindi mabuti ang Covid-19 response.

Aniya, “Fair din ba dun sa country na yun na kinukumpara tayo sa kanila?”

“Kinocompare mo by 100,000 population for example ang namamatay sa atin compared sa namamatay sa ibang bansa,” ani Vergeire.

“Parang di siya katanggap-tanggap for us and even for the other countries na kinokompara tayo. Parang pinapakita mo sino mas miserable sa ating dalawa,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon kay Vergeire, ayos lang na ikumpara ang mga bansa lalo na sa academic setting, sapagkat ginagamit ito upang i-monitor at i-evaluate ang performance. Subalit, mas magand umano kung ikumupara ang mga bansa base sa kanilang mga napagtagumpayan.

“Now when it comes to comparing ourselves to those countries which have successful implementation, wala namang problema. We adopt the best practices from other countries actually na nakikita natin uy maganda yung ginawa,” sabi g opisyal.

“We compare that so can see trends, we can see progress and we can see what needs to be done,” dagdag pa nito.

Kasalukuyang tinutugunan ng Pilipinas ang mataas na bilang ng Covid-19 cases sa bansa, kasabay nang usad-pagong na rollout ng mga bakuna kontra Covid-19 dahil sa kakulangan ng suplay sa buong mundo.

LATEST

LATEST

TRENDING