
Pinapahintulutan na ang mga restawran na magbukas para sa indoor dining operations sa 10% seating capacity, habang ang personal care services naman tulad ng beauty salons at barbershops ay puwedeng makapag-operate sa 30% capacity, ayon sa Malacañang nong Huwebes.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pinayagan ng Inter-Agency Task Force ang mga rekomendasyon para sa pagpapahintulot ng mga kainan na ibalik ang dine-in services sa ilalim ng modified enhanced community quarantine. Ang naunang kautusan ay nagpapahintulot lamang sa outdoor o al fresco dining, pati na rin ang takeout at delivery.
Subalit, may opsyon din ang mga restawran na mag-operate nang higit sa 10% capacity kung susunod sa “Safety Seal Certification Program.”