Health expert, pinuna ang ‘magulong’ quarantine classifications sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Binatikos ng isang public health expert ang “magulong” quarantine classifications na ipinatutupad ng pamahalaan sa bansa kaugnay ng Covid-19 pandemic.

Bago pinalawig ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus noong Miyerkules, matatandaang naging mungkahi ng mga alkalde ng Metro Manila ang pagpapatupad ng “flexible” MECQ o “MECQ Flex.”

Ayon sa public health expert na si Dr. Aileen Espina noong Huwebes, nakalilito ang iba’t-ibang klasipikasyon ng quarantine, kung saan mas nakatuon umano ito sa ekonomiya sa halip na sa sistemang pangkalusugan ng bansa.

Aniya, “To be candid and to be honest about it, magulo talaga siya. Kahit sa amin po, ako personally, I can only speak for myself, hindi ko po talaga memorize kung ano ‘yung pagkakaiba ng ECQ, MECQ, GCQ, MGCQ, at ngayon meron pang flexible MECQ.”

Mas importante umanong maipabatid sa mga tao ang lebel ng alertness at mga dapat gawin bilang pag-iingat sa Covid-19, dagdag pa nito.

Noong Miyerkules ng gabi, pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapairal ng MECQ sa NCR Plus – Metro Manila, Laguna, Rizal, Bulacan, at Cavite – hanggang Mayo 14.

LATEST

LATEST

TRENDING