Gobyerno, balak magbigay ng mental care service para sa Covid-19 survivors: Galvez

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

Binabalak ng pamahalaan ang pagbibigay ng metal care services para sa Covid-19 survivors, ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na siya ring chief implementer ng National Task Force Against Covid-19.

Batay sa isang pag-aaral, isa sa tatlong kataong gumaling mula sa Covid-19 ay nagkakaroon ng neurological o psychiatric diagnosis makalipas ang anim na buwan.

Ayon kay Galvez, nakatanggap din umano siya ng mga ulat ng suicide at mental breakdowns mula sa mga nakaligtas sa Covid-19.

“We have talked to the experts so that we can explore iyong tinatawag nating (what we call) further mental care and social healing after this pandemic,” sabi ng opisyal sa isang press briefing.

Higit 900,000 ang bilang ng mga taong nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.

Isang grupo sa bansa ang layong tumugon sa mga nakararanas ng suicidal tendencies. Layunin ng Natasha Goulbourn Foundation ang pakinggan ang mga nasabing indibidwal.

Ito ang kanilang hotline numbers:

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) o (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) o (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) o (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE o (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 o (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 o (632) 346.8776 

LATEST

LATEST

TRENDING