Duterte: ‘Di kayang makapag-accomodate ‘anytime’ ang mga ospital

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino noong Miyerkules na huwag maniniwala na kaya silang i-accomodate sa mga ospital “anumang oras,” habang patuloy ang pagtugon ng bansa pagsipa ng Covid-19 cases.

Hindi na umano “nagulat” si Duterte nang lumagpas sa isang milyon ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa bansa ngayong linggo.

“Ngayon nakita ko, violation dito, violation doon; sakit dito, sakit doon. Anak ka ng—wala tayong pera,” sabi ni Duterte sa kanyang taped public address.

“Do not ever think that we can accommodate you at just anytime. If you look on TV and sa mga news, hindi nga makapasok [sa ospital], naghihintay nga sa mga kotse… hanggang mabigyan sila ng kama,” dagdag pa nito.

Ang intensive care capacity sa Metro Manila ay kasalukuyang nasa moderate risk level, kung saan 62 percent ng mga higaan ang nagamit na, ayon sa mga opisyal.

“Ang kama, depende ‘yan sa mabakante, kung marami ang mamatay lahat, maraming kama kung gusto ninyo,” ani Duterte

“Hindi naman talaga lahat may gusto, maraming ayaw na magka-COVID, namatay. Wala na tayo magawa. Suwerte na natin ‘yan,” dagdag pa nito.

LATEST

LATEST

TRENDING