Mananatili pa nang dalawang linggo ang pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules.
Ang pag-iral ng MECQ sa NCR Plus, ay extended hanggang Mayo 14. Ang Santiago City sa Isabela, at mga lalawigan ng Quirino at Abra ay mananatili rin sa MECQ mula Mayo 1 hanggang 31.
Samantala, ipatutupad naman ang general community quarantine (GCQ) sa mga sumusunod na lugar:
– CAR: Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province
– Region 2: Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya
– Region 4-A: Batangas, Quezon
– Region 8: Tacloban City
– Region 10: Iligan City
– Region 11: Davao City
– BARMM: Lanao del Sur
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay isasailalim naman sa mas maaluwag na modified general community quarantine para sa buong buwan ng Mayo.
Naunang inirekomenda ng Department of Health ang extension ng MECQ sa NCR Plus dahil sa pananatili ng mataas na Covid-19 bed occupancy rate bagama’t pababa na ang bilang ng mga bagong kaso.