Moderna, nag-apply sa PH para sa emergency use authorization ng Covid-19 vaccine nito

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nagsumite ng aplikasyon noong Lunes para sa emergency use authorization ng Covid-19 vaccine nito ang US drugmaker na Moderna, ayon kay Food and Drug Administration (FDA) chief Rolando Enrique Domingo.

Inaasahan ang pagdating sa bansa ng 194,000 doses ng nasabing bakuna sa Mayo, na susundan naman ng isang milyong doses sa Hulyo.

Nabigyan na ng FDA ng emergency use authority ang mga vaccine brands na Pfizer, Astrazeneca, Sinovac, Gamaleya, Johnson and Johnson, at Bharat Biotech.

Nakatanggap na ang bansa ng 3.5 milyong doses ng bakuna, kung saan karamihan ng mga ito ang mula sa Sinovac ng China.

1.7 milyong doses na ang naipamahagi simula nang umarangkada ang Covid-19 vaccination program noong Marso 1.

Inaasahan naman ang pagdating sa bansa ng unang batch ng 500,000 doses ng Sputnik V vaccine galing Russia, at karagdagang 500,000 doses ng Sinovac bago magtapos ang buwan.

Lumagpas na sa higit isang milyon ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa Pilipinas noong Lunes nang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,929 na mga panibagong kaso.

LATEST

LATEST

TRENDING