OCTA: Covid-19 cases sa Metro Manila, nasa downtrend

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: PNA

Naging downtrend na ang mga bagong Covid-19 cases na naitala sa Metro Manila sa nakalipas na linggo, ayon sa independent research group na Octa.

Sa inilabas nitong ulat noong Abril 25, bumaba na ang reproduction number – bilang ng mga taong maaaring mahawa ng isang Covid-19 patients – para sa National Capital Region (NCR) sa 0.93 noong linggong Abril 18-24. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon na natutugunan ang pandemiya.

Binanggit din ng grupo na ang 3,841 average number ng bagong cases sa NCR kada araw sa nakalipas na linggo ay mas mababa nang 20% sa sinundan nitong linggo, at 30% na mas mababa naman kumpara sa nakalipas na 3 linggo, o sa peak ng kasalukuyang surge.

Idiin din ng Octa na nakapagtala ng pagbaba sa Covid-19 cases ang bawat lungsod at munisipalidad sa Metro Manila sa nakalipas na linggo.

LATEST

LATEST

TRENDING