CHR, nagbabala sa paglabag ng mga awtoridad dahil sa red-tagging

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nagbabala noong Sabado ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga awtoridad na nilalabag nila ang presumption of innocence ng isang tao kapag nire-red tag nila ang community pantry volunteers.

Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, wala umanong basehan ang pagkalap ng mga awtoridad ng pribadong impormasyon mula sa volunteers.

Wala rin umanong batayan ang pamumuna sa kanila sapagkat isa itong “community action” na layong mabigay-tulong sa mga nangangailangan.

Aniya, “It is a private sector initiative. Nakita naman natin, sa ocular inspection lamang, may nakikita ka bang krimen diyan? May nakikita ka bang nangyayaring masama sa pantry na ‘yon that would require intervention from the police. Why will you attribute that something will happen, something in the future… bakit mo ina-anticipate yon?”

Idiniin din ni Gana nilalabag ng red-tagging ang karapatan ng isang tao na maging inosente hangga’t mapatunayang guilty, karapatan sa malayang pagpapahayag, karapatang mabuhay, atbp.

“It also actually violates in a way the right to life because you have to have the right to food in order to live. Marami talagang mga karapatan na tatapakan dito sa red-tagging,” paliwanag ni Gana.

Maging katanggap-tanggap lamang aniya ang presensya ng kapulisan sa mga community pantries kung ang layunin ay panatilihin ang kaayusan at pagpapatupad ng minimum health protocols kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING