
Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) noong Sabado an hindi nito ginagamit ang social media, lalo na ang Facebook, sa pagkumpirma ng passport appointments dahil ipinagbabawal umano ito.
Sa isang advisory, nilinaw ng ahensya na ang passport applications ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng official appointment system nito.
“The DFA reiterates that it does not use Facebook or any other social media network to offer or confirm passport application appointments nor it has authorized any company or individual to offer and accept passport appointment scheduling on the Department’s behalf,” pahayag ng nasabing advisory.
Hindi naman sinabi ng DFA kung nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa mga nag-aalok ng passport appointments sa social media.