De Lima, binigyan ng 3-day medical furlough bunsod ng posibleng mild stroke

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senadora Leila de Lima

Inumpisahan ni Senadora Leila de Lima noong Sabado ang kanyang tatlong araw na medical furlough sa Manila Doctor’s Hospital, kung saan pinayagan siyang makaalis mula sa detention dahil sa umano’y mild stroke.

Inirereklamo ni De Lima, na nahaharap sa tatlong drug cases sa Muntinlupa Regional Trial Court, ang pananakit ng ulo at panghihina ng katawan.

Sumailalim ito sa Covid-19 test, kung saan nagnegatibo ang resulta, bago dinala sa ospital, ayon sa kanyang chief of staff na si Atty. Fhillip Sawali.

Dalawang korte sa Muntinlupa ang nagpahintulot sa senadora na sumailalim sa checkup sa Manila Doctor’s Hospital sapagkat kinakailangan niyang magpa-MRI at iba pang tests.

Naka-detain se De Lima, na kilalang kritiko ng administrasyon, sa PNP Custodial Center sa Camp Crame simula Pebrero 2017. Itinatanggi nitong may kinalaman siya sa iligal na droga at iginigiit na pamumulitika lamang ito.

LATEST

LATEST

TRENDING