DOLE, magsasagawa ng online job fair sa Mayo 1

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: BusinessMirror

Magsasagawa ng nationwide virtual job fair sa Mayo 1, Labor Day, ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga nagnanais maghanap ng trabaho.

“Ito po yung ilan sa mga pamamaraan lamang ng ating pamahalaan para matugunan po natin yung pangangailangan ng ating mga kababayan pagdating sa employment,” ani Labor Assistant Secretary Dominique Tutay sa isang virtual inter-agency briefing noong Biyernes.

Noong Biyernes ng umaga, inihayag ng kagawaran na mayroong nakalap na 18,000 vacancies mula sa 488 employers para sa gaganaping job fair.

Iaanunsyo ng ahensya kung anu-anong mga sites ang maaaring puntahan ng mga aplikante para sa pagpapasa ng requirements.

LATEST

LATEST

TRENDING