Angel Locsin, humingi ng tawad para sa nasawing senior citizen sa kanyang community pantry

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Angel Locsin

Naglabas ng public apology noong Biyernes ang aktres na si Angel Locsin matapos mamatay ang isang senior citizen na naghihintay na makakuha ng pagkain mula sa itinayong community pantry ng Kapamilya actress.

Ang nasabing senior citizen na si Rolando Dela Cruz, ay naiulat na nakapila simula pa alas-tres ng madaling araw, kung saan nahimatay ito habang naghihintay para sa pagbubukas ng community pantry noong alas-otso ng umaga. Idineklara itong dead on arrival nang isugod sa isang kalapit na ospital.

“Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari,” ani Locsin sa kanyang Facebook page.

“Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this. I am very, very sorry,” dagdag pa ng aktres.

Ayon kay Locsin, nakipag-ugnayan na siya sa pamilya ng nasawi.

Aniya, “Humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak niya sa ospital at habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.”

Ayon naman sa pamilya ni Dela Cruz, na isang magbabalut, wala silang sinisisi na kahit sino sa pagkamatay ng padre de pamilya.

“Masakit pero wala naman may gusto na may ganito hindi naman kami naninisi ng ibang tao kasi hindi naman nila ito ginusto,” sabi ni Jenifer Fosana, na anak ng nasawi.

LATEST

LATEST

TRENDING