Initial batch ng Covid-19 vaccines mula Moderna at Pfizer, darating sa PH sa Mayo at Hunyo: PH envoy to US

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Isang initial shipment ng halos 200,000 doses ng Moderna Covid-19 vaccine ang nakatakdang dumating sa bansa sa Hunyo 15, ayon kay  Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez noong Martes.

Sa isang Malacañang briefing, sinabi ni Romualdez na ito ay susundan ng mas malalaking deliveries sa susunod na mga buwan, kung saan 20 milyong doses ang inaasahang dumating sa bansa bago magtapos ang taon.

Samantala, ang unang batch naman ng 117,000 doses ng Pfizer ay inaasahang darating sa dulo ng Mayo.

“The reason why there’s been a delay sa Pfizer is because there have been some legal problems we have to overcome,” ani Romualdez.

“I think that our Department of Justice is already in the final phase of just making sure that…the agreement and the indemnity agreement are clear, and the government is well protected also,” dagdag pa nito.

Ang inisyal na delivery ng Pfizer ay unang itinakda noong Pebrero subalit naantala dahil sa kawalan ng indemnification deal sa pagitan ng bansa at ng vaccine manufacturer.

Inamin din ng mga opisyal na kinukumpleto pa ang mga dokumento upang isapinal ang kasunduan sa nabanggit na buwan.

Sinabi ni Romualdez na umaasa ang national government na makukumpleto ang transaksyon sa Pfizer sa susunod na linggo.

LATEST

LATEST

TRENDING