DOH: Pre-vaccination screening sa pagbabakuna vs. Covid-19, kailangan pa rin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Habang inirekomenda ng ilang eksperto ang pagpapaliban sa health screening bago ang pagbabakuna kontra Covid-19, inihayag ng Department of Health (DOH) noong Miyerkules na mananatili itong requirement bago magturok ng first at second dose.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahalaga ang screening bago ang vaccination upang matukoy ang anumang sintomas na kaugnay ng Covid-19 o iba pang sakit.

“Kung kayo ay may simtomas related sa COVID, hindi muna namin kayo bibigyan. Siniscreen namin kung sakaling meron kayong mga atake ng inyong current co-morbidities na hindi pwedeng bigyan during that time,” paliwanag nito.

Dapat umanong mabatid ng mga vaccinators ang importanteng prosesong ito.

Hindi pinapayagan ng DOH ang vaccination ng mga taong may blood pressure na 180/120 o hgiti pa, at may senyales ng organ damage sa screening process.

Subalit, nag-isyu kamakailan ang Philippine Heart Association at Philippine Society of Hypertension ng rekomendasyon na ipagpaliban na ang pagkuha ng blood pressure at iba pang vital signs sapagkat makakapagpabagal lamang aniya ito.

LATEST

LATEST

TRENDING