PNP, tinanggihang nagsasagawa ito ng ‘profiling’ sa mga community pantry organizers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Robert Oswald P. Alfiler (PNA)

Pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) noong Martes ang mga ulat tungkol sa mga organizers ng community pantries na sumailalim umano sa “profiling” ng mga pulis.

“There is no order from the National Headquarters to conduct any form of profiling of organizers of community pantries,” ani PNP chief Gen. Debold Sinas sa isang pahayag.

Batid umano ng PNP na ang na ang pagtatayo ng community pantries ay pagpapakita ng bayanihan ang ang pulis ay wala aniyang intensyon na mangialam.

 “Of particular consideration is the observance of public health standards when there is gathering of ten or more persons that builds-up a crowd,” dagdag pa ni Sinas.

Noong Lunes, pansamantalang ipinahinto ng organizer ng Maginhawa community pantry ang operasyon nito dahil sa pangambang dulot ng red-tagging mula sa kapulisan.

Ayon kay Patricia Non, tatlong pulis ang humingi ng kanyang contact number at kinabibilangang organisasyon, kung saan nangyari rin umano ito para sa iba pang panties. Kinalaunan ay dumulog siya kay Quezon City Mayor Joy Belmonte tungkol sa nasabing problema.

“Early today, I reached out to Ms. Non and discussed her concerns about her safety and security. I have requested QCPD District Director Brigadier General Antonio Yarra to conduct an investigation regarding Ms. Non’s apprehensions and earlier experiences,” wika ni Belmonte.

Makikipagpulong umano ang alkalde kay Station 9 Commander Police LtCol, Imelda Reyes, na siyang may hurisdiksyon sa Maginhawa, upang matugunan ang mga problema ni Non.

Tiniyak naman ni Belmonte na nagbibigay ng tulong ang Task Force Disiplina ng siyudad upang mapanatili ang minumum public health protocols at crowd control sa Maginhawa community pantry. Kaparehong utos din ang ibinigay para sa iba pang mga community pantries.

LATEST

LATEST

TRENDING