2 lider ng Kamara, nais paimbestigahan ang mga patakaran ng DOH at FDA sa Covid-19 drug registration

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Naghain ng resolusyon ang dalawang lider ng Kamara upang ipanawagan ang imbestigasyon tungkol sa mga ipinatutupad na palisiya ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) tungkol sa mga produktong panlaban sa Covid-19.

Sa ilalim ng House Resolution No. 1711, hinihikayat nina House Speaker Lord Allan Velasco at Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy ang House Committee on Good Government and Public Accountability na mag-imbestiga tungkol sa mga palisiya at patakaran ng DOH at FDA hinggil sa registration, utilization, manufacture, distribution, o pagbebenta ng mga produkto na tila ikapapahamak ng “public interest.”

“While there is no actual cure for COVID-19, health, drug, and medical experts have come up with a treatment protocol including the administration of certain drugs and therapeutics currently allowed for use and treatment of COVID-19,” pahayag ng nasabing resolusyon.

Kinuwestyon ng dalawang kongresista ang FDA Circular No. 2020-12 o “Guidelines for the Registration of Drug Products under Emergency Use for the Coronavirus Disease 2019.”

Ayon sa nasabing dokumento, ang mga gamot na awtorisadong gamitin kontra Covid-19 ay ang tocilizumab, lopinavir and ritonavir, chloroquine phosphate, at hydroxychloroquine sulfate. Gayunpaman, sinabi ng FDA na kinakailangang i-update ang naturang listahan.

“The said FDA Circular and other related guidelines have been questioned for being arbitrary, bureaucratic, and inhumane for causing unnecessary delays in the approval and clearance of drugs and therapeutics for emergency use authorization or for use of drugs under compassionate special permit against the dreaded COVID-19 disease,” dagdag pa ng resolusyon.

Inihain ang resolusyon habang piangdedebatihan ang paggamit ng anti-parasitic drug na ivermectin bilang pangontra sa Covid-19. Ilang mambabatas, kabilang na si Herrera-Dy, ang nagsusulong sa paggamit nito bilang panlaban sa Covid-19.

Subalit, nagbabala ang FDA, DOH, at ilang health experts laban sa paggamit nito kontra Covid-19. Wala umanong sapat na batayan upang patunayan na epektibo ang nasabing gamot laban sa coronavirus.

Bagama’t pinahintulutan ng FDA ang compassionate use ng ivermectin sa isang ospital, idiniin nitong hindi nito pinapayagan ang paggamit ng naturang gamot kontra Covid-19 dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

LATEST

LATEST

TRENDING