Palasyo, iginiit na ‘di kailangang isapubliko ni Duterte ang plano nito sa West PH Sea

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Habang tumataas ang tensyon ng China at Pilipinas dahil sa pananatili ng ilang mga barko nito sa West Philippine Sea, hindi nakatitiyak ang mga Pilipino sa kung ano ang binabalak na hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte upang solusyunan ang isyu.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang briefing noong Huwebes, hindi obligado ang Pangulo na inanunsyo sa publiko ang kanyang susunod na mga hakbang bilang pangunahing tagagawa ng foreign policy ng bansa.

“Ang larangan ng diplomasya, isang exception to freedom of information. Kung ano man ang ginagawa ng presidente, hayaan na lang nating gawin niya iyon sa pribadong paraan,” diin ni Roque.

“Hindi naman po dapat inaanunsyo sa publiko ang diplomatic initiatives o anumang hakbang na ginagawa ng Pangulo,” dagdag pa nito.

“Let’s leave the President to his devices. Napakita naman po niya na so far in the past five years of his administration, we have moved from a position of antagonism with China to a position of friendship,” giit ni Roque.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ni Roque na palaging naging “consistent” ang administrasyon sa paggiit ng soberanya ng Pilipinas at mga karapatan nito sa West Philippine Sea.

Samantala ayon naman kay Senadora Risa Hontiveros,  ang posisyon ni Duterte sa isyu sa West Philippines Sea ay “deliberately weak” sapagkat umaasta dito na tila isang “doormat” habang patuloy ang panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

Naghain na ang pamahalaan ng serye ng diplomatic protests kontra China kaugnay ng presensya ng higit 200 Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Patuloy namang tinatanggihan ng China ang kapasyahan noong 2016 ng Permanent Court of Arbitration sa the Hague na kinilala ang karapatan ng Pilipinas sa karagatang sakop ng 200-nautical mile exclusive economic zone at continental shelf.

LATEST

LATEST

TRENDING