Pribadong sektor, nais ng gobyerno na manguna sa vaccine manufacturing sa PH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Reuters

Gusto ng gobyerno na manguna ang pribadong sektor sa pagtatatag ng kapasidad ng Pilipinas upang makapaglikha ito ng sariling mga bakuna.

“Manufacturing is an activity that is best suited to the private sector and that is the reason why we are pushing the private sector to take the lead on vaccine manufacturing in the country,” ayon kay DOST Usec. Rowena Guevara sa isang virtual forum.

Kasalukuyang nakikipag-usap ang mga awtoridad sa anim na vaccine manufacturers, ayon sa opisyal, na hindi pinangalanan ang mga nasabing kumpanya alinsunod sa non-disclosure agreements.

“For the private sector, as long as there is a market and they have the capability, they are going to be sustainable and we have seen this in many activities of the private sector,” diin ni Guevara.

Ayon sa opisyal, dalawa mula sa anim na kumpanya ay posibleng makapag-umpisa sa paglikha ng sariling mga bakuna sa dulo ng 2022 depende kung gaano ka-agresibo ang mga ito sa pagtupad ng kanilang plano.

Ayon naman kay Trade Secretary Ramon Lopez noong Huwebes, kapag naplantsa na ang mga requirements, posibleng mag-invest ang mga nasabing kumpanya, na nagnanais magtayo ng vaccine plants sa Pilipinas, ngayong taon.

Aniya, “Hopefully this year or next year, actual investments will come in.”

LATEST

LATEST

TRENDING