Palasyo, nagbabala sa mga ospital na walang regular Covid-19 testing para sa health workers

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Paiimbestigahan ng national government ang mga opsital na lalabag sa utos na i-test nang regular ang mga health workers para sa Covid-19, babala ng Malacañang noong Huwebes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng managot ang mga ospital na lalabag sa nasabing kautusan ng pamahalaan.

“Ang mandatory testing ng workers na regular is provided in a DOH (Department of Health) issuance. So kung merong paglabag diyan ipagbigay-alam lang po natin sa DOH at papaimbestigahan natin kung sino ang mga health facilities ang hindi nagbibigay ng mandated na regular testing for health workers,” paliwanag nito.

Tinutukoy ni Roque ang Department Memorandum 2020-0546 ng ahensya na nag-uutos sa mga pampubliko at pribadong ospital at pasilidad na tiniyakin ang availability ng testing services para sa lahat ng kanilang health workers na na-expose sa mga taong itinuturing na suspect, probable, at confirmed COVID-19 cases. Bibigyan naman ng prayoridad ang health workers na suspect cases.

“Iyan po ay benepisyo na binigay na ng gobyerno sa ating mga health workers. Actionable po yan, ibig sabihin pwedeng magkaroon po ng pananagutan ang ospital na hindi po nagpapatupad niyan,” dagdag pa ni Roque.

Samantala, inihayag naman ni Health Undersecretary Rosario Vergeire noong Miyerkules na ang mga health workers na exposed sa Covid-19 patients ay dapat i-test kada dalawang linggo. Subalit, ang mga opsital na may limitadong testing ay puwedeng magsagawa ng buwanang tests upang mapigilan ang transmisyon ng coronavirus.

Ang mga healthcare workers ay hinihikayat na i-report ang mga ospital na hindi nagbibigay ng mandatory testing. Puwede silang makipag-ugnayan sa DOH sa pamamagitan ng Hotline na 1555, o sa pamamagitan ng DOH Complaints Handling Unit sa dohpau.chu@gmail.com.

LATEST

LATEST

TRENDING