Pagpapahinto ng AstraZeneca rollout sa ibang bansa, ‘di makakaapekto sa procurement ng Maynila: Mayor Isko

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang pagsuspinde sa rollout ng AstraZeneca Covid-19 vaccines sa ibang bansa ay hindi makakaapekto sa pagbili ng Lungsod ng Maynila sa naturang vaccine brand, paglilinaw ni Manila Mayor Isko Moreno noong Huwebes.

Sa isang panayam sa CNN Philippines, sinabi ng alkalde na mananatili ang tripartite deal ng lokal na pamahalaan at ang British-Swedish manufacturer — hangga’t mag-isyu ng notice ang Food and Drug Administration.

“I don’t think so,” ani Yorme nang tanungin kung makakaapekto ba ang mga pangyayari sa ibang bansa sa balak ng LGU na bumili ng 800,000 vaccine doses.

“I mean generally, yes, there are incidents— including Pfizer, AstraZeneca, Sinovac — all vaccines have some story to tell,” paliwanag ni Moreno.

“But generally, tuloy tuloy naman sa buong mundo. So wala pa namang abiso sa amin ang FDA,” dagdag pa nito.

Noong nakaraang linggo, pansamantalang ipinahinto ng mga awtoridad ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccine sa mga taong edad 60 pababa.

Ito ay matapos mapag-alaman ng European drug regulators ang isang link sa pagitan ng coronavirus at ilang kaso ng blood clots na may mababang platelet count.

Gayunpaman, tiniyak ng Department of Health (DOH) na wala itong natatanggap na ulat ng nasabing mga kaso ng blot clots mula sa mga Pilipinong nakatanggap ng AstraZeneca vaccines.

LATEST

LATEST

TRENDING