1.5 milyong manggagawa, nawalan ng trabaho sa loob ng 2-linggong ECQ: DTI

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: CNN Philippines

Tinatayang nasa 1.5 milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pansamantalang tigil-operasyon ng ilang industriya o ‘di kaya ay sa paglilimta ng kapasidad dahil sa pagsipa ng Covid-19 cases sa bansa, giit ni Trade Secretary Ramon Lopez noong Huwebes.

“Base sa talaan naman ng mga labor force, iyong mga sectors na sarado noong ECQ, mga 1.5 million estimate kami na na-displace, nawalan ng hanapbuhay,” ani Lopez sa isang virtual briefing tungkol sa epekto ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus – Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.

Ayon sa kahilim, nasa kalahating milyong katao ang nagsipagbalik-trabaho matapos bahagyang paluwagin ang quarantine protocols, kung saan sinabi nitong ang ilan ay makababalik nang muli sa kanilang mga trabaho kapag sumailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang NCR Plus.

Ang NCR Plus ay kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine hanggang Abril 30.

Sa kasalukuyang mga patarakan, ang outdoor dine-in na may 50% capacity ay pinapayagan basta’t mayroong acrylic dividers at diagonal ang seating arrangement. Ipinagbabawal naman ang dine-in sa loob ng mga kainan.

Gayunpaman, pinapayagan pa rin ang takeout orders.

Samantala, ang pampublikong transportasyon ay limitado sa mga authorized persons outside of residence (APOR).

Nagpatupad din ng unified curfew hours ang Metro Manila mula 8 p.m. hanggang 5 a.m. kung saan hindi kabilang dito ang mga APOR.

LATEST

LATEST

TRENDING