SWS: Karamihan ng Pinoy, naniniwalang dapat ibunyag sa publiko ang estado ng kalusugan ni PRRD

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Ayon sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), karamihan ng mga Pilipino ang naniniwala na isang pampublikong usapin ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat mabatid ng taumbayan.

Ibinunyag ng SWS National Mobile Phone Survey na isinagawa noong 2020, na 65% ng mga Pinoy ang naniniwalang dapat ipagbigay-alam sa publiko ang estado ng kalusugan ng Pangulo, habang 32% naman ang nagsabing pribadong usapin lamang ito.

1,249 adultong Pilipino ang kinapanayam mula Setyembre 17-20, 2020, at ang naging resulta nito ay apat na puntos na mas mataas sa kaparehong survey na isinagawa noong Disyembre 2019 at Setyembre 2018.

LATEST

LATEST

TRENDING