Duterte, isinabatas ang panukalang layong hatiin sa 3 ang ikalawang distrito ng Rizal

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Isinabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang layong hatiin ang ikalawang distrito ng Rizal province sa tatlong bagong legislative districts.

Nakasaad sa Republic Act No. 11533, na nilagdaan ng Pangulo noong Marso 25, na ang paghahati ay magiging epektibo sa “2022 national and local elections.”

Ang bawat legislative district ay bubuuin ng mga sumusunod na munisipalidad.

2nd district:

– Cardona

– Baras

– Tanay

– Morong

– Jala-jala

– Pililia

– Teresa

3rd district:

– San Mateo

4th district:

– Rodriguez

Ipinag-uutos din ng batas sa Commission on Elections (Comelec) na maglabas ng karampatang implementing rules and regulations sa loob ng 30 days ng pagiging epektibo nito.

Ang nasabing panukala ay inihain sa Kongreso upang tiyakin ang “representation for the inhabitants of the Province of Rizal.”

Layunin din nitong tulungan ang “local government units in the province to better respond to the needs of the people and also help facilitate in the long-term rehabilitation and the capacity building efforts of the province following this pandemic,” ayon sa sponsor ng panukala sa Senado na si Sen. Francis Tolentino, na siya ring chairman ng Senate Committee on Local Government.

LATEST

LATEST

TRENDING