Roque, sinabing ‘un-Christian’ ang pagtatanong tungkol sa kanyang agarang confinement sa ospital

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Inilarawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang “un-Christian” ang pagtatanong sa kanya kung paano siya nakakuha agad ng hospital bed, habang kalbaryo ang pinagdadaanan ng ibang Covid-19 patients para lamang matugunan ng mga ospital.

Sa kanyang briefing noong Lunes, hindi nagbigay ng detalye si Roque kung bakit mabilis siyang na-admit sa Philippine General Hospital nonng weekend matapos muling magpositibo sa Covid-19 sa ikalawang pagkakataon.

Nang tanungin kung paano agad na nakakuha ng hospital bed si Roque ngayong ang ibang pasyente ay naghihintay ng ilang araw bago ma-admit, sinabi nitong: “With all due respect, I think that is an un-Christian question.”

“Ang aking assurance lang, sa administrasyon ni Pangulong Duterte, lahat ng merong pangangailangang medikal ay mabibigyan ng tulong,” dagdag pa nito.

Kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine ang NCR Plus – Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna and Rizal – hanggang sa dulo ng buwan, matapos sabihin ng pamahalaan na paiigtingin nito ang bed capacity ng mga opsital at pasilidad upang matugunan ang mas maraming Covid-19 patients.

Sa dalawang-linggong enhanced community quarantine, ibinahagi ng mga doktor ang kalunos-lunos na sitwasyon sa mga ospital dahil sa pagtaas ng Covid-19 cases – mahahabang pila sa emergency rooms, overworked medical staff, paubos na mga medical resources, at mga namamatay na pasyente kahit hindi na nagagamot.

LATEST

LATEST

TRENDING