‘Wala talaga’: FDA, hindi pa sinasagot ng PSG tungkol sa mga katanungan sa Covid-19 vaccination

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang Presidential Security Group (PSG)

Hindi pa rin sumasagot ang Presidential Security Group (PSG) sa tanong ng mga awtoridad ilang buwan matapos maiulat ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga personnel nito, giit ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo noong Biyernes.

Sa isang media forum, sinabi ni Domingo na kahit si Health Secretary Francisco Duque III ay hindi pa nakatatanggap ng official reply mula sa PSG.

Aniya, “Wala talaga. Wala pa kaming makuhang response diyan.”

Noong Disyembre, naglunsad ang FDA ng imbestigasyon sa pagpasok ng “smuggled” at hindi rehistradong Covid-19 vaccines sa bansa, matapos pumutok ang balita na nabakunahan na ang ilang miyembro ng PSG laban sa Covid-19 noong nakaraang taon nang walang regulatory approval.

Muling naging matunog ang PSG nang maiulat na higit 100 personnel nito ang nahawa sa Covid-19.

Sinabi naman ni PSG chief Brig. Gen. Jesus Durante na hindi lahat ng miyembro ng PSG ang nabakunahan kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING