FDA, nilinaw kung bakit pinayagan ang Sinovac Covid-19 vaccine para sa seniors

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) noong Biyernes na bagama’t ligtas ang paggamit ng Sinovac Covid-19 vaccine para sa senior citizens, kulang pa umano ang datos na magpapatunay kung epektibo ito kontra Covid-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, “Unang una nakita na nga natin may more than 700 na senior citizen health care workers dito sa Pilipinas na nagpabakuna. At ung tinignan natin yung adverse effects sa kanila are within reasonable levels, acceptable levels.”

Ito ay isang araw matapos sabihin ng FDA na hindi makabubuti ang Sinovac para sa senior citizens, alinsunod sa rekomendasyon ng vaccine expert panel, surge ng Covid-19 cases, at kakulangan sa suplay ng iba pang bakuna.

Idiniin ni Domingo na walang isyu tungkol sa kaligtasan ng bakuna.

Subalit, inamin nitong:  “Talagang ang efficacy (data) ay very limited. That’s true.”

Sinabi ni Domingo ang ang tanging datos na hawak ng FDA tungkol sa efficacy ng bakuna para sa senior citizens ay ang Brazil trial, kung saan kinabilangan ito ng daan-daang matatanda mula sa libu-libong kalahok, at Phase 1 at 2 trials.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi naman ng Task Group on Vaccine Evaluation and Selection ng National Task Force Against Covid-19 na kinonsidera ng mga eksperto ang ulat mula sa ibang bansa na gumagamit ng Sinovac para sa matatanda.

“While the general safety profile of the vaccine based on available data is deemed to be acceptable, the FDA reiterates that their guidance may change and evolve as more efficacy, immunogenicity and safety data become available,” giit ng task force.

Ayon sa grupo, “special attention” ang ibibigay sa senior citizens na may hypertension at magkakaroon umano ng screening process para sa vaccinees.

Unang sinabi naman ng FDA na “insufficient” ang Phase 3 efficacy data.

“But knowing also na wala naman tayong vaccine right now na maaaring gamitin sa mga senior citizens dahil wala pa tayong maexpect na supply for April other than the Sinovac, we found that it is more beneficial to vaccinate them now than to wait for ibang vaccine,” sabi ni Domingo.

LATEST

LATEST

TRENDING