Duterte, magbibigay ng public address sa Abril 12 ayon kay Roque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nakatakdang bumalik si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular na “Talk to the People” public address sa Lunes, Abril 12, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ito ay kasabay ng mga katanungan tungkol sa kinaroroonan ng Pangulo sa nakalipas na mga araw.

Hindi sumipot si Duterte sa paggunita ng Araw ng Kagitingan noong Biyernes at absent din ito sa kanyang lingguhang public address matapos magpositibo sa Covid-19 ang higit 100 na miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Sa mga nagdaang linggo, naging usap-usapan ang kalusugan ng Pangulo dahil sa kanyang pagiging mailap sa mata ng publiko.

LATEST

LATEST

TRENDING