DOH, walang natanggap na ulat tungkol sa isyu ng blood clotting dulot ng AstraZeneca Covid-19 vaccines

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Wala pang natatanggap na ulat ang Department of Health (DOH) tungkol sa blood clotting sa mga naturukan ng AstraZeneca Covid-19 vaccine sa bansa.

“Sa ngayon naman wala pa tayong nano-note na ganitong mga blood clotting or other adverse events with regard to AstraZeneca vaccine,” giit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing noong Biyernes.

Ito ay matapos ipahinto ng awtoridad ang paggamit ng nasabing bakuna para sa mga edad 60 pababa, nang mapag-alaman ng European regulators ang isang link umano sa pagitan ng bakuna at ilang kaso ng blod clots para sa mga pasyenteng may mababang platelet count.

Ayon naman kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo, ito ang magandang panahon upang pag-aralan ang epekto ng AstraZeneca vaccine sapagkat halos maubos na ang suplay ng bakuna sa bansa at ang pagtuturok ng ikalawang dose ay sa paglipas pa ng 8 hanggang 12 linggo, kung saan sakto lang ang pagdating ng panibagong suplay mula sa World Health Organization-led COVAX facility.

Sinabi naman ni Vergeire na ang lahat ng 525,600 doses ng AstraZeneca vaccines ay naibigay na sa vaccination centers.

“Ito iyong magandang panahon na aralin itong mga reports na ito kasi wala na tayong AstraZeneca vaccines [stocks] talagang paubos na at iyong next batch darating pa lamang possibly towards the end of the month,” wika ni Domingo.

Ang mga adverse effects ay naobserbahan lang aniya matapos ang pagtuturok ng naunang dose. Ang mga hindi nakaranas ng side effects ay maaari namang makatanggap ng ikalawang doses kapag dumating na ang panibagong batch ng mga bakuna.

LATEST

LATEST

TRENDING