Sen. Binay, binanatan ang ribbon-cutting sa isang bagong QC hospital

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Facebook page ni Sen. Bong Go

Binatikos ni Senadora Nancy Binay noong Martes ang ginanap ng ribbon-cutting ceremony at photo-ops session sa inagurasyon ng isang bagong health institute sa Quezon City, kung kailan mas lalong lumala ang estado ng Covid-19 pandemic sa bansa.

Ang isinagawang ceremony sa Quezon Institute Offsite Modular Hospital ay dinaluhan nina Sen. Christopher “Bong” Go, Health Sec. Francisco Duque III at Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.

Ang bagong pasilidad ay extension ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center, ayon sa Department of Health (DOH). Makakapag-accomodate umano ito ng 110 pasyente.

“Pakiusap kung pwede buksan na lang para magamit agad. Sayang 
lang ang oras sa ribbon cutting at photo ops,” sabi ni Binay sa isang tweet.

“These things are unnecessary & leave a bad taste for families of Covid patients who are racing against life & time,” dagdag pa nito.

Ang nasabing ceremony ay kasabay nang pagkakatala sa bansa ng record-high na 382 additional Covid-19 deaths, habang pumalo na sa 812,760 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING