Sec. Villar, dinipensahan ang isinagawang final inspection at blessing sa isang bagong health facility

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Facebook page ni DPWH Secretary Mark Villar

Walang mali sa pagsasagawa ng final inspection at blessing para sa isang proyekto ng pamahalaan, giit ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar noong Miyerkules matapos punain ng isang senador ang isinagawang ribbon-cutting ceremony at photo-ops session sa inagurasyon ng bagong health facility sa Quezon City.

Aniya, “Hindi naman masama kung ipa-bless mo ‘yung building and ‘yung final inspection is important and we do this for all public infrastructure.”

“To be fair to government, I don’t think there’s anything wrong with conducting a final inspection, and if we bless a building, I don’t think that should be an issue. That’s why I don’t want to dwell on this. I think what’s more important is the structure itself that the government is doing to address this issue,” ani Villar.

Inihayag ni Sen. Nancy Binay sa Twitter na mas mabuti sana kung agarang binuksan ang nasabing pasilidad sa halip na magsayang pa ng oras sa ribbon cutting at photo-ops.

Ang nasabing inagurasyon ay dinaluhan nina Villar, Sen. Christopher “Bong” Go, Health Sec. Francisco Duque III, vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., testing czar Sec. Vince Dizon, at iba pang mga opisyal.

“These things are unnecessary & leave a bad taste for families of Covid patients who are racing against life & time,” sabi ni Binay.

Ang nasabing pasilidad na kayang makapag-accomodate ng 110 pasyente, ay binuksan kasabay nang pagkapuno ng maraming ospital sa Metro Manila at mga karatig lalawigan dahil sa pagsipa ng Covid-19 cases.

LATEST

LATEST

TRENDING