Sara Duterte, nagpuntang Singapore para sa ‘personal health management’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Davao City Mayor Sara Duterte

Lumipad patungong Singapore si Davao City Mayor Sara Duterte ngayong linggo para sa “personal health management.”

Sa isang pahayag noong Miyerkules, ibinunyag ng alkalde na kasalukuyan siyang naka-leave nang limang araw, alinsunod sa ibinigay sa kanyang travel authority ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

“I am on leave from April 6-10, 2021,” ani Duterte.

“I have a travel authority to Singapore from the DILG. The reason is personal health management,” dagdag pa nito.

Iniulat na lumipad ang alkalde mula Davao patungong Ninoy Aquino International Airport sakay sa isang Philippine Airlines flight noong Martes, bago tumulak pa-Singapore.

Inayos na rin umano ang lahat ng protocols para sa kanyang pagbalik ng Davao City, kabilang ang RT-PCR testing at 14-day quarantine.

Hindi naman nagbahagi ang alkalde ng karagdagang detalye tungkol sa kanyang biyahe.

LATEST

LATEST

TRENDING