Expert panel, inaprubahan ang paggamit ng Sinovac Covid-19 vaccines para sa matatanda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inirekomenda noong Miyerkules ng Philippine vaccine expert panel para sa mga matatanda ang paggamit ng Covid-19 vaccine ng Beijing-based na Sinovac Biotech.

Inirekomenda lamang ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng CoronaVac vaccine ng Sinovac para sa mga edad 18 hanggang 59 dahil ang clinical trials nito ay nagkulang sa mga matatandang kalahok.

Napag-alaman ng expert panel na mayroon itong konting adverse effects, kabilang ang pananakit sa injection site, headache at flu-like symptoms, ayon sa pinuno ng grupo na si Dr. Nina Gloriani.

Nag-umpisa na rin ang China at Indonesia sa paggamit ng CoronaVac para sa mga senior citizens nito. Ang nagagawang antibodies ng mga matatanda ay “halos kapareho” sa antibodies ng mga edad 18 hanggang 59. 

“Ang maganda doon sa datos na nakita namin ay nakakaprotekta rin sya sa mga matatanda na hindi sila nagkaroon ng severe COVID,” ani Gloriani sa isang televised public briefing. 

“Ang alam ko po ay maglalabas na rin soon ang FDA ng announcement about this. Ang vaccine expert panel po ay nakapagrekomenda na na puwede siyang gamitin sa senior citizens,”dagdag pa nito.

Naturukan si Gloriani, 67-anyos, ng dalawang doses ng Sinovac. Pumirma siya ng waiver para rito.

LATEST

LATEST

TRENDING