Duterte: West PH isyu, ‘di makakaapekto sa vaccine cooperation ng PH at China

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: NTF WPS

Ang panghihimasok ng China sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea ay hindi makakaapekto sa bilateral relations at vaccine cooperation ng dalawang bansa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang briefing noong Martes, binasa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang isang pahayag mula kay Duterte, na nagsasabing patuloy na reresolbahin ng Pilipinas ang isyu sa Julian Felipe, na kilala rin bilang Whitsun Reef, sa pamamagitan ng “diplomatic channels and peaceful means.”

“Whatever differences we have with China will not define our bilateral relations and it will not be an obstacle to the overall positive trajectory of our bilateral friendly relations and our deepening cooperation in the pandemic response, including vaccine cooperation and in post-pandemic economic recovery,” ani Roque.

Ayon naman kay Vaccine czar Carlito Galvez Jr., na dumalo rin sa briefing, ang isyu sa West Philippine Sea ay hiwalay sa pandemic response ng China at Pilipinas.

Nitong weekend, idiniin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang panawagan ng gobyerno na paalisin ng China ang mga barko nito, habang iginigiit na siya ay “no fool” para paniwalaan ang China na ang rason ng pamamalagi ng mga barko nito sa West Philippine Sea ay dahil sa masamang panahon.

Sinabi naman ng Chinese Embassy sa Manila na ang pahayag ng kalihim ay “unprofessional” at iginiit na ang Julian Felipe Reef, ay kabahagi umano ng Nansha Islands.

LATEST

LATEST

TRENDING