DOH, inaprubahan ang saliva PCR tests para sa Covid-19

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Niño Jesus Orbeta (Philippine Daily Inquirer)

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) noong Martes na pinapayagan na sa bansa ang paggamit ng saliva samples para sa Polymerase Chain Reaction (PCR) tests ng Covid-19.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na inilabas nito ang Department Memorandum (DM) No. 2021-0161 “in pursuit of expanding the country’s testing capacity and ensuring immediate and efficient implementation of PDITR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) strategies.”

Ayon sa DOH, tanging mga licensed Covid-19 laboratories lamang, na certified ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ang puwedeng makapagsagawa ng saliva-based PCR tests. 

“Furthermore, point-of-care clinics, specimen collecting facilities, and disease reporting units can perform saliva specimen collection, provided that the specimen collectors have undergone training from the referral licensed COVID-19 laboratory certified to perform saliva testing,” dagdag pa nito.

Tanging RITM-validated test kits o mga na-evaluate ng RITM-recognized laboratories naman ang puwedeng gamitin para sa saliva tests. Ang mga kits ay dapat ding may certification mula sa Food and Drug Administration.

Ang mga kits na may 95% sensitivity at 99% specificity lamang ang puwedeng magamit.

Gayunpaman, bagama’t pinapayagan na ang saliva tests, idiniin ng DOH na ang swab test pa rin ang itinuturing na gold standard para sa Covid-19 testing.

Ipinaliwanag nitong ang saliva tests ay dapat lamang isagawa sa ilalim ng “certain conditions and are deemed valid when such conditions are met.”

Noong Lunes, kinilala ng Philippine Red Cross (PRC) ang hakbang ng DOH na pahintulutan ang PhilHealth na saluhin ang gastos para sa saliva tests.

LATEST

LATEST

TRENDING