Gobyerno, ililipat ang mild Covid-19 patients sa NCR Plus para mapaluwag ang hospital beds

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Mag-uumpisa ang pamahalaan na i-relocate ang mga asymptomatic at mild Covid-19 patients na naka-admit sa mga ospital upang bawasan ang mga pasyenteng gumagamit ng hospital beds, pahayag ng Department of Health (DOH) noong Lunes.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga nasabing pasyente ay ililipat sa mga quarantine facilities, tulad ng hotels o isolation centers. Kasama rin dito ang mga health workers na walang sintomas o mild lamang. Hindi naman makapipili ang mga pasyente kung saan sila ililipat subalit tiniyak ni Vergeire na magiging kumportable ang kanilang kalagayan.

Nasa 400 pasyente umano na hindi nangangailangan ng critical care ang kasalukuyang umookupa sa Covid-19 hospital beds, na nagkakaubusan simula nang magkaroon ng spike sa Metro Manila at mga karatig lalawigan. Makatutulong umano ang hakbang na ito na paluwagin nang 40% ang mga higaang inilaan para sa Covid-19 patients.

Aniya, “Kapag tinignan ang census natin sa ospital, kapag matanggal ang mild at asymptomatic, luluwag ang ating mga ospital at magkakaroon ng enough space for patients who really need hospitals the most.”

Ang extraction ng mga nasabing Covid-19 patients ay isa lamang sa mga hakbang ng pamahalaan na bawasan ang mga pasyente sa ospital. Ngayong linggo, nagpatupad ang national government ng triaging sa lahat ng lokalidad sa Metro Manila upang mapigilan ang pagsugod ng mga mayroong flu-like symptoms sa mga ospital.

LATEST

LATEST

TRENDING