Duterte, suportado si Lorenzana sa pagpapaalis ng Chinese vessels sa West PH Sea

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Defense Secretary Delfin Lorenzana at Pangulong Rodrigo Duterte

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging tindig ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na naghimok sa China na paalisin ang mga barko nito sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea, pahayag ng Malacañang noong Lunes.

Umaasa ang Pangulo na ang nasabing “impasse” sa pagitan ng dalawang bansa ay mareresolba, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Under the qualified political doctrine, of course the President stands by the statements of our Secretary of Defense,” ani Roque sa isang panayam sa The Source ng CNN Philippines.

“But I hasten to add that the President has been clear that this is not an issue that will lead to war between friendly nations. We are hoping that our friendly relations will soon resolve this latest impasse,” dagdag pa nito.

Bagama’t naghain na ang Manila ng diplomatic protest laban sa China ilang linggo na ang nakalilipas, nasa 44 Chinese vessels ang nanatiling nakaangkla sa Julian Felipe Reef. Ang nasabing reef ay kabahagi ng exclusive economic zone ng bansa.

Ayon naman sa Chinese Embassy, pansamantala lamang ang pananatili ng mga barko roon na naapektuhan aniya dahil sa masamang panahon – bagay na kinuwestyon ni Lorenzana.

Ayon sa kalihim, “maraming dapat ipaliwanag” si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian tungkol sa nasabing insidente.

Sinabi naman ng Chinese Embassy na “perplexing” at “unprofessional” ang naging pahayag ni Lorenzana. Idiniin nitong ang nasabing reef ay bahagi ng Nansha Islands ng China, kung saan “completely normal” umano para sa Chinese fishing vessels ang mangisda sa lugar.

LATEST

LATEST

TRENDING