
Nagsumite ng aplikasyon ang US drugmaker Johnson & Johnson para sa emergency use sa Pilipinas ng single-dose Covid-19 vaccine nito, ayon kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo noong Lunes.
Ang naturang bakuna, na gawa ng Belgium-based firm na Janssen Pharmaceuticals, ang vaccine arm ng J&J, ay nabigyan na ng awtorisasyon ng United States FDA para sa emergency use.
Ayon kay Domingo, naghain ng aplikasyon ang J&J para sa emergency use authorization ng bakuna sa bansa noong Miyerkules, Marso 31.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaasahan ang pagdating ng 5 milyong doses ng nasabing bakuna sa ikatlong quarter ng taon.
“According to the earlier report of Secretary Galvez, ang J&J, at least from his last report to the President, is scheduled to arrive by third quarter specifically in the month of July,” ani Roque sa kanyang briefing noong Lunes.